Ligo Na Ü Lapit Na Me (Eros Atalia)

 

ligo na u lapit na me eros atalia
larawan mula sa softbound.blogspot.com

Pukang ama. Buti tapos na Ü kasi napagod talaga me.

Higit isang taon kong ninasang basahin ang librong ito. Nagsmula ang lahat noong makita ko ang trailer para sa pelikula at doon ko naisip, ‘ba, interesante ang kwento.

Kaya naman excited ako nang makakuha ako ng kopya nito mula kay Ernie na noon ay namimigay ng ilang librong maiiwan niya rito sa Pinas pagtulak niya sa US. Agad ko itong binasa pero sa hindi inaasahang pangyayari, natagalan ako nang husto. Isang linggo, seryoso?

Ayos naman ang kwento, hindi ganoon ka-tipikal sa Pilipinas. Kahit pa man sabihing marami na ang nakaaalam at nakatatanggap sa konsepto ng FuBu (fuck buddies) at FWB (friends with benefits), batid pa rin natin ang pag-aalinlangan ng ilan sa pagiging komportable sa ideya ng mga ganitong uri ng set-up.

Kaya naman, sa tingin ko’y napakatapang ni Eros sa pagsulat ng kwentong umiikot dito. Sa katunayan, maging ang pagkukwento at pagtalakay nito’y isinagawa sa matapang na pamamaraan.

Hindi rin na maitatanggi na may sadyang katapangan ang may akda sa pagbibigay ng komento sa ilang mga bagay: relihiyon, kasarian at sekswalidad, rebolusyon, pag-inom, at iba pa.

Isa rin sa mga pinakanagustuhan ko rito ay ang potensyal ng mga tauhan. Magaling ang karakterisasyon. Simple pero puno ng tunggalian, hindi pasabog ngunit hindi rin naman gaanong pasibo. At ayos sa set-up ng kwento.

Maging ang mga dayalogo’y mahusay. Lutang ang boses ng bawat tauhan at kapani-paniwala.

Kaya nga lang, napagod ako sa pagbabasa. Hindi ko kinayang basahin ang libro sa isa o iilang upuan. Bakit? Dahil hindi ko kinaya ang stream of consciousness na moda ng persona sa kwento. Masyadong mahaba’t maraming gustong sakupin. Masyadong maraming nangyayari sa utak nito’t maraming monologue. At ang masama, naka-iistorbo ito sa takbo ng narativ.

Kung minsan pa nga, naiisip kong parang may ideantity crisis lang ang teksto sa ilang mga bahagi nito: Nalilito kung nobela ba siya o sanaysay. Ayoko ng spoiler kaya hindi ko sasabihin ang kwento. Basahin mo na lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s