Papel De Liha (Ompong Remigio at Beth Parrocha)

papel de liha ompong remigio beth parrocha doctolero
photo from amazon.co.uk

Sadyang makapangyarihan ang aklat na ito, lalo na’t tinatalakay nito ang mga kadalasang sakripisyo ng isang inang nagmamahal at nag-aaruga. Bagama’t simple ang pagkakakuwento, di pa rin ito nagkulang sa paglalahad ng mensaheng nais nitong iparating.

Epektibo rin itong materyal kung magtuturo ng wika sa klase. Sa parehong Filipino at Ingles na bersyon ng teksto, makikita ang regularidad ng gamit ng wika. Bukod sa mga tugma, puno rin ito ng mga salitang naglalahad ng kilos at paglalarawan. At dahil malapit sa puso ng mga bata ang paksa nito, madali itong makapupukaw ng atensyon sa loob ng silid-aralan.

Kaya nga lamang, di ko rin maitago ang pagkabahala sa kung paano ipininta ang imahe ng isang ina, lalo na sa loob ng pamamahay. Sa teksto, mapapansing all around ang Nanay. Sa kanya ang lahat ng mga gawaing bahay! Kaya naman, grabe ang gaspang ng kaniyang mga kamay. Parang papel de liha, ika nga sa kwento.

Oo nga’t may kabig sa huli, tipong pangungunsensya sa anak na laging inaasikaso. Gayunpaman, di pa rin nalinaw kung magbabago ba ang lagay ng nanay sa loob ng bahay. Eh ano kung nalaman ng bata na magaspang ang kamay ng kanyang nanay dahil sa katatrabaho sa loob ng bahay? May pagkukusa ba siyang gumawa ng paraan para matulungan siya’t mapakinis manlang ang kanyang kamay? Sa palagay ko, di ito malinaw sa kung paano nagtapos ang kwento.

Naunawaan man ng anak ang tindi ng sakripisyo ng ina, di pa rin sigurado kung magbabago ang posisyon nito sa loob ng pamamahay. Isa pa, paano ang tatay? Ano kaya ang tingin niya rito, lalo na’t pati siya, isa rin sa mga inaasikaso?

Oo nga, maaring masyado pang bata ang mga magbabasa ng aklat na ito pero hindi ba’t maganda lang din na sa batang edad, matutunan na nila na ang babae’y di lamang pambahay?

Kung sa bagay, kung wais din naman ang magulang o guro na gagabay sa pagbasa ng bata ng aklat na ito, baka maaari niyang isiksik sa isipan niya na may magagawa siya para di magtuluy-tuloy ang pagkakatali ng sarili niyang nanay sa mga gawaing bahay at iyon ang pagtulong sa paggawa ng mga ito, paunti-unti. Pwede niya ring marahang ipabatid sa bata na kung tutuusin, hindi naman dapat si Nanay lang ang kumikilos sa bahay dahil di lang pambabae o pang-nanay ang mga ito. Isa pa, di lang naman sa mga gawaing ito maipakikita ng isang ina ang kanyang pagmamahal sa pamilya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s